Tranportasyon, hangin, at obligasyon

by: Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapanalig, alam mo ba ang kahalagahan ng maayos na transportation sector, lalo na sa mga bansa gaya ng Pilipinas, pati na rin sa buong Asya?

Ang transport sector ay hindi lamang mahalaga para sa araw araw nating paglalakbay tungo sa trabaho, paaralan at iba pang lugar. Ito rin ay mahalaga para sa sustainable development ng Pilipinas, Asya, at ng buong mundo. Kung hindi natin bibigyan ng sapat na atensyon ang sektor na ito, anumang pag-unlad na ating tatamasahin ay babawiin din sa atin kalaunan.

transportation-sector

Ayon sa Asian Development Bank (ADB), dumodoble ang bilang ng mga sasakyan sa mga bansa sa Asya kada 5 hanggang 7 taon. Noong 1980, 9 percent lamang ang share ng Asya sa pang-global na bilang ng mga sasakyan. Tumalon ito ng 17 percent noong 2005. Kung hindi mapipigilang ang paglago nito, tinatayang 46 percent ng mga sasakyan sa mundo ay nasa Asya pagdating ng 2030.

Isa sa malaking epekto nito ay ang pollution sa ating hangin.

Kapanalig, ang mga syudad sa Asya ngayon ay nakakaranas na ng sobrang polusyon sa hangin dahil sa dami ng mga sasakyan na tumatakbo sa mga bansa nito. Ang Asya na ang may pinakamataas na pollution levels sa buong mundo. Ito ay nagco-contribute sa tinatayang 500,000 premature deaths sa rehiyon.

Ang mga sasakyan ay nag e-emit ng mga pollutants na lubhang nakakasama sa katawan ng tao. Isa dito ay ang carbon monoxide, na isang uri ng gas na walang kulay at walang amoy. Ang gas na ito ay lubhang nakakasama sa mga taong may sakit sa puso, baga at circulatory system. Ito ay pumipigil sa pag-absorb ng oxygen sa katawan. 70 to 90 percent ng carbon monoxide emissions ay mula sa transportation sector.

Kapanalig, ang transportasyon, kung hindi natin aayusin, ay makakasira hindi lamang sa ating kapaligiran, kundi pati sa ating katawan. Kailangan na nating magawan ng paraan ang mabilis na pagdami ng sasakyan sa ating bansa na iilan lamang ang gumagamit, habang sangkatutak naman ang mga taong naglalakad sa lansangan na direktang lumalanghap ng mga buga ng lahat ng mga sasakyan na ito.

Kapanalig, ang Compendium of the Social Doctrine of the Catholic Church ay may mahalagang paala sa atin ukol sa pangangalaga sa buhay at kapaligran. Ayon dito “Respect for human life extends to respect for all creation. Catholics must re-engage with the life systems of the planet and accept environmental responsibility. To live simply in sustainable sufficiency where there are enough resources for everyone, brings peace to caring for creation. Dagdag pa nito, ang ating kapaligiran, kasama na ang hangin na ating nilalanghap, ay isang common good na dapat nating protektahan. Obligasyon nating pangalagaan ito.

Kaya kapanalig, suriin natin ang kaugnayan ng lahat ng aspeto ng human activity sa pagdumi ng ating hangin, pati na rin sa paghina ng ating pangangatawan. Makikita natin na tayo ay kasangkot sa unti-unting pagkasira nito.

fr a

Short URL: http://filamnation.com/?p=29446

Posted by on Jun 20 2014. Filed under Articles, Radyo Veritas. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Featured Links

    Search Archive

    Search by Date
    Search by Category
    Search with Google

    Photo Gallery

    Log in | Designed by Gabfire themes