Sustainable Cities

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapanalig, marami sa atin ang nagnanais na mag-migrate sa mga syudad. Ito ay dahil para sa marami, puno ng oportunidad para umunlad sa mga syudad.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang mga syudad natin ay threatened na rin. Napakabilis ng urbanisasyon sa maraming mga syudad sa Asya, at ito ay nakapagdulot ng napakalaking problema na kailangang matugunan ng mga bansa sa lalong madaling panahon bago pa tayo tuluyan nitong masikil.

Sustainable-Cities

Ang urbanisasyon ay nagdala ng matinding congestion o traffic sa mga syudad. Sa Metro Manila, ayon sa National Economic Development Authority noong 2013, nawawalan tayo ng P2.4 billion na potential income kada araw dahil sa traffic. Dail dito, tila nagiging alamat o kwento kwento na lang ang sinasabing mabilis na kaunlaran sa syudad. Dahil sa traffic, bumabagal po ang usad ng lahat, at kaakibat nito, ay ang pagliit din ng kita.

Ang urbanisasyon ay nagdadala rin ng masidhing polusyon. Kapanalig, ang motor vehicles ang isa sa pangunahing source ng air pollution at greenhouse gases. Pinababagal na nga nito ang takbo ng ating paglalakbay tungo sa trabaho, unti unti pa tayo nitong pinapatay. Ayon sa World Health Organization, kalahating miloyong tao ang nabibiktima ng premature death kada taon dahil sa polusyon.

Ang urbanisasyon ay nagdala rin ng road safety hazards. Ang motorization sa mga syudad, hindi lamang talaga nakakalason at nakakapagbagal ng paglalakbay, ay maari ring magdala ng instant death o disability. Ayon sa Asian Development Bank, sa buong Asya, 2,000 to ang namamatay kada araw dahil sa mga vehicle crashes.

Ang urbanisasyon ay nakapagpataas rin ng homelessness o bilang ng mga informal settlements sa mga syudad. Ang phenomenon na ito ay ay tila nagsasabi na hindi lumuluwag ang buhay sa mga mega cities. Sumisikip pa. Ayon nga sa presentasyon ng National Housing Authority sa 11th National Convention on Statistics noong October 2010, tinatayang nasa 544,609 families ang informal settlers ngayon.

Kapanalig, ang ating mga syudad ay hindi magiging sustainable kung tuloy tuloy ang ganitong sitwasyon. Kailangan ng matugunan ang mga samut-saring isyu ng urbanisasyon bago pa ito tuluyang makasira, hindi lamang ng kapaligiran, kundi ng mas maraming buhay.

May mga tanong si St. Pope John Paul II sa kanyang address na “International Solidarity Needed to Safeguard the Environment”- How can accelerated development be prevented from turning against man? How can one prevent disaster that destroy the environment and threaten all forms of life, and how can the negative consequences that have already occurred be remedied?

Kapanalig, pagnilayan natin ito at subukan sagutin. Ituring natin itong hamon upang masigurado natin ang sustainability ng ating mga syudad.

Short URL: http://filamnation.com/?p=29942

Posted by on Jun 27 2014. Filed under Articles, Radyo Veritas. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Featured Links

    Search Archive

    Search by Date
    Search by Category
    Search with Google

    Photo Gallery

    Log in | Designed by Gabfire themes