Nutrisyon at Kalusugan ng Bata

by: Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapanalig, ang tama at sapat na pagkain ay napaka-importante sa mga bata. Ito ay dapat nagsisimula sa pagsilang pa lamang ng isang sanggol, upang masigurado ang kanyang physical at mental development.

Ang breastmilk o gatas ng ina ang pinakamainam na nutrisyon para sa bagong silang na sanggol hanggang sa ika-anim niyang buwan. Ito ay magpo-protekta sa sanggol sa mga impeksyon at magbibigay ng sapat na nutrisyon sa mura at ligtas na paraan. Kaya lamang, marami sa ating mga ina ang tumitigil sa pagbibigay ng breast milk bago pa man umabot ang six months.

nutrisyon

Ayon sa Multiple Indicator Survey ng UNICEF at NSO noong 2012, 35.9 percent lamang ng mga sanggol na edad 0 to six month na nakasama sa survey ang exclusively breastfed. Ang nakakalungkot, hindi naman lahat ng breastfed na bata na may edad 6 months pataas ay nabibigyan ng tama at sapat na pagkain, bilang supplement sa kanilang gatas. Ayon sa survey, sa mga sanggol na breastfed, mga 81 percent ang nakakain ng apat na beses sa loob ng 24 na oras. Sa hanay naman ng non-breastfed na sanggol six months pataas, 56 percent lamang ang nakakain ng apat na beses sa loob ng 24 oras.

Hindi rin lahat ng mga sanggol at bata ay nababantayan ang tangkad at bigat. Ayon pa rin sa naturang survey, sa mga batang may edad 0-23 months, 82.2 percent ng mga batang kasama sa survey ang nasukat ang timbang, at 32.6 lamang ang nasukat ang tangkad.

Kapanalig, ang mga ito ay ilan lamang sa sukatan ng nutrisyon at kalusugan ng mga bata, simula pa lamang ng kanilang kapanganakan. Ang mga datos na ito ay may mahahalagang implikasyon.

Unang una, marami pa ring mga ina ang hindi nag-be-breast feed sa kanilang mga sanggol. Ang mga rason dito ay maaring kulang din sa nutrisyon ang ina kaya’t hindi ito makapag-produce ng gatas, o di kaya kailangan ng magtrabaho ng ina kaagad kaya’t nakokompromiso ang pangunahing source ng nutrisyon ng sanggol.

Pangalawa, hindi rin masyado nababantayan ang nutrisyon at kalusugan ng mga sanggol hanggang sa kanilang paglaki. Ang maaring mga rason nito ay ang pagiging abala ng mga magulang o kaya kakulangan sa kaalaman ukol sa tamang pagseseguro ng kalusugan ng mga bata. Maari ring kalayuan sa health centers ang isa sa mga rason, at kakulangan sa transportasyon sa mga remote areas.

Kapanalig, totoo ang kasabihan na it takes a village to raise a child. Ang mga magulang, katuwang ang kanilang komunidad, kasama ang health centers, ay partners sa pagpapalaki ng mga bata. Kung may isa sa kanilang magpapabaya o magkukulang sa kapasidad, ang nutrisyon at kalusugan ng mga bata ay maaring madiskaril.

Ang Catholic Social Teachings ay may mahalagang paalala ukol sa kalusugan ng lahat ng tao, bata man o matanda. Paalala mula sa Compendium of the Social Doctrine of the Church – The situation of a vast number of the world’s children is far from being satisfactory, due to the lack of favourable conditions for their integral development despite the existence of a specific international juridical instrument for protecting their rights. These are conditions connected with the lack of health care, or adequate food supply.

Kaya nga’t importante na maging accessible ang mga health centers sa ating mga komunidad. Kung hindi man kayanin ng mga magulang ang pagseseguro ng nutrisyon ng kanilang anak, malaki ang maitutulong ng mga komunidad kasama ang mga health centers upang kahit papapaano ay matugunan ang nutrition at health care needs ng mga bata. Sa paraan na ito, masigurado natin na sila ay magiging malusog na tagapagmana at tagapamalakaya ng ating mundo.

Short URL: http://filamnation.com/?p=31524

Posted by on Jul 25 2014. Filed under Articles, Radyo Veritas. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Featured Links

    Search Archive

    Search by Date
    Search by Category
    Search with Google

    Photo Gallery

    Log in | Designed by Gabfire themes