Kabataan at Kinabukasan

By: Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ayon sa Asian Development Bank o (ADB), nasa 18% or 650 million na ng total population ng Asia at Pasipiko ang bilang ng mga kabataan nito. Mga 200 million sa kanila ay nasa mga urban areas.

Sa ating bansa, nasa 30.4 million naman ang mga kabataang may edad 10 hanggang 24, ayon sa World’s Youth Data Sheet 2013 ng World Population Bureau. Ito ay 31 percent ng total population ng bansa. 88 percent ng mga kabataang babae ay naka-enroll sa high school, habang 82 percent naman na mga kabataang lalake ang naka-enroll sa high school. 32 percent naman na kabataang babae na nakatapos ng high school ang nag-aaral sa kolehiyo, habang 26 percent naman na kabataang lalake ang nasa kolehiyo.

Kabataan-at-Kinabukasan

Ang pagtaas ng populasyon ng mga kabataan ay may mahalagang implikasyon. Unang-una na rito ay ang demand for tertiary o vocational education.

Kapanalig, ang pagtaas na demand sa kolehiyo at technical education ay isang malaking hamon para sa mga developing countries gaya ng Pilipinas. Ayon sa ADB, ang per-student cost sa high school ay mataas na ng labinlimang beses sa primary education. Ang tertiary education naman ay mas mataas ng tatlumpu hanggang tatlumpu’t limang beses sa high school. Kaya’t hindi nakakapagtaka na maraming mga magulang ang hindi na nakakapag-pa-aral ng mga anak nilang nasa kolehiyo, habang ang ating gobyerno naman ay hirap magpondo sa mga state universities.

Ang kamahalan ng tertiary education ay nanganganak pa ng mas malaking problemaunemployment. Dahil nga kapos sa budget, hindi nakakapag-aral ang mga kabataan, at marami sa kanila ang walang kasanayan sa mga iba’t ibang uri ng trabaho.

Dito, may malaking oportunidad ang pamahalaan at pribadong sektor sa partnerships. Maari nilang pag-isipan kung anong angkop na polisya at insentibo ang maari nating mailatag upang ang serbisyong pormal at teknikal na edukasyon ay mas madali at mas maayos na maibigay ng mga pribadong institusyon. Kapag mataas ang partisipasyon ng mga private entities, mas maraming bata ang makakatapos ng kolehiyo o technical courses. Maliban dito, naihahanda pa ng sapat ng private sector ang kasanayan ng mga bata, dahil ang mga knowledge at skills requirements para sa trabaho ay kanilang mailalapat sa mga curriculum ng eskwelahan. Mas job-ready ang mga kabataan, mas liliit din ang unemployment rate sa kalaunan.

Ang edukasyon at kinabukasan ng kabataan ay mahalagang aspeto ng ating bayan. Dapat lamang talaga na ang public at private sector ay magtulungan upang tunay na matugunan ang mga isyung umiikot sa mga temang ito. Ang pangangalaga sa kinabukasan ng kabataan ay pangagalaga din sa kinabukasan ng ating bayan.

Naway pakinggan natin ang panawagan ni Pope Francis, sa kanyang General Audience on UN World Environment Day noong June 2013“Today we are suffering from a crisis which is not only about the just management of economic resources, but also about concern for human resources, for the needs of our brothers and sisters living in extreme poverty, and especially for the many children in our world lacking adequate education, health care and nutrition. I ask all of you to reflect on this grave ethical problem in a spirit of solidarity grounded in our common responsibility for the earth and for all our brothers and sisters in the human family.”

Short URL: http://filamnation.com/?p=30893

Posted by on Jul 11 2014. Filed under Articles, Radyo Veritas. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Featured Links

    Search Archive

    Search by Date
    Search by Category
    Search with Google

    Photo Gallery

    Log in | Designed by Gabfire themes