Enerhiya

by: Fr. Anton CT. Pascual

 Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapanalig, halos lahat ng aspeto ng development ay naapektuhan ng enerhiya. Nangangahulugan ito na kung mabilis at maayos ang ating access sa enerhiya, mas mabilis din at mas maayos ang mga industriya, produksyon, at serbisyo.

Kaya lang, ang ang tanong, sustainable ba ang ang pinanggagalingan ng ating enerhiya, at abot-kaya ba natin ang presyo nito?

Ang mabilis na paglago ng mga syudad, lalo na dito Asya ay nagpapataas ng demand sa enerhiya. Taon taon, laging mas malaki ang demand kaysa supply sa rehiyon. Ang gap o shortfall na ito ay isang malaking balakid sa pagsulong ng maraming mga bansa. At dahil na rin sa shortfall na ito, tumataas din ang presyo ng enerhiya. At habang tumataas ang demand para sa enerhiya mula sa mga syudad sa Asya, marami pa ring mga lugar sa rehiyon ang wala pa nito.

Enerhiya

Ayon sa Development Asia ng Asian Development Bank (ADB) noong 2010, tinatayang mga 1.5 bilyong katao pa ang walang eneriya sa buong mundo, at karamihan sa kanila ay nasa Asya. Sa mga bansang Cambodia at Timor-Leste, 3 sa 4 na tao ang walang enerhiya or elektrisidad, at sa Afghanistan naman, 14.4% lamang ang electrification rate habang 13% lamang sa Myanmar. Sa bansa naman gaya ng Pilipinas, mas mataas naman ang binabayad natin sa kuryente dahil kailangan pang mag-import ng supply.

Ayon sa ADB Energy Outlook for Asia and the Pacific 2010-2035, tataas ng 2.1% kada taon mula 2010 hanggang 2035 ang primary energy demand ng mga mga bansa sa Asya at Pasipiko. Mas mataas pa ito sa projected world average growth rate na nasa 1.5% kada taon sa loob ng 2010 hanggang 2035. At sa timeframe na ito, fossil fuels pa rin ang source ng enerhiya. Ang fossil fuels ay nonrenewable na source ng enerhiya, gaya ng langis at coal.

Kapanalig, dalawang malaking isyu ang umaangat dito. Una, ang malaking gap ng demand at supply, na maari pang lumaki sa darating na panahon. Pangalawa, ay ang reliance ng mga bansa sa fossil fuels bilang source ng enerhiya.

Kapanalig, kapag malaki ang diperensya ng supply at demand, magkakaroon ng bottlenecks sa produksyon at growth ng maraming mga bansa. Kung patuloy naman tayong magre-rely sa fossil fuels, tataas ang risk para sa climate change. Ayon nga sa isang report mula sa International Energy Agency, ang pandaigdigang pamumuhunan sa fossil fuel energy na lagi na lamang mas malaki kaysa sa pamumuhunan sa mga clean energy sources, ay magdudulot ng pagtaas ng temperature na aabot ng mga ng mga tinatayang 3.6 degrees.

Balanse ang kailangan, at sustainability din ang kailangan tutukan. Ang dalawang ito ay dapat maging matingkad sa mga energy policies ng ating bansa, at maging sa mga bansa sa Asya.

Kapanalig, ang Pilipinas, kasama ang marami pang mga bansa sa Asya ay nasa sentro ng mabilis na pagsulong. Kung ang pagsulong nito ay hindi magbibigay puwang sa balance at sustainability, sa kadulu-duluhan, babagsak din ang ang mga ekonomiya, at mas marami pang mga mamamayan ang maghihirap.

Maging gabay sana natin ang mga kataga mula sa 1990 World Day of Peace Message ni St. Pope John Paul II, “We cannot interfere in one area of the ecosystem without paying due attention both to the consequences of such interference in other areas and to the well-being of future generations.

Short URL: http://filamnation.com/?p=28347

Posted by on Jun 6 2014. Filed under Articles, Radyo Veritas. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Featured Links

    Search Archive

    Search by Date
    Search by Category
    Search with Google

    Photo Gallery

    Log in | Designed by Gabfire themes