Login   Not Yet a Member? Register

Saints of the Day: San Vicente Ferrer

San Vicente Ferrer

By Sister Gemma dela cruz

Isinilang siya sa Valencia , España noong taong 1350, at siya ang bunga ng pagmamahal ng kaniyang mga magulang sa Diyos, sa mahal na birhen at sa maralita.

Itinuring si San Vicente Ferrer na mapaghimalang predikador at anghel ng paghuhukom.

Tinalikdan niya ang karangalan at kayamanan para sumapi sa Orden ni Santo Domingo .

Naging tagapayo siya nina Haring Juan ng Aragon at ng Papa sa Avignon , at ng lumaganap ang kaniyang kataniyagan dinumog siya ng mga tao sa kaniyang mga pangaral.

Naglakbay si San Vicente Ferrer para ipangaral ang apat na huling hantungan ng tao: ang kamatayan, paghuhukom, impiyerno at langit.

Marami siyang nahikayat na mga hudyo, moro at erehe na magbalik-loob sa Panginoon.

Sinasabing bumuhay siya ng patay para patunayan ang kaniyang pangaral.

Pumanaw siya dahil sa karamdaman sa Brittany, Pransiya noong taong 1419.

Idineklarang santo si San Vicente Ferrer ni Papa Calixto III noong taong 1458.

Si San Vicente Ferrer ang pintakasi ng mga construction workers at mga tubero.

Short URL: http://filamnation.com/?p=24533

Print This Post Print This Post Email This Post Email This Post
Posted by on Apr 6 2012. Filed under Articles, Radyo Veritas. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply


− 4 = five

Categories

Archives

Save money on your Taxes and Insurance!

Photo Gallery

Copyright ©2011 by FilAmNation