Login   Not Yet a Member? Register

Saints of the Day: San Zosimo

San Zosimo

Nagmula siya sa isang angkan na taga-Sicily na ipinanganak noong taong 570.

Inihabilin siya ng kanyang mga magulang sa monasteryo sa Santa Lucia upang matuto at maglingkod sa karangalan ng Santa na iginagalang sa pook na iyon.

Ngunit tumakas si San Zosimo at bumalik sa kanilang tahanan, ikinagalit ito ng kanyang mga magulang at agad na ibinalik sa kumbento.

Nang kinagabihan, dumalaw sa kanyang panaginip si Santa Lucia at siya’y pinangaralan. Mula noo’y nagbagong buhay si San Zosimo at isinabuhay ang pagpapakabanal sa loob ng tatlumpung taon.

Nang mamatay ang abad ng mga mongheng iyon, pinili ng Obispo ng Syracuse si San Zosimo bilang kahalili nito.

Gayundin, nang pumanaw ang Obispo ng Syracuse, si San Zosimo ang pinili ng taumbayan na kanilang maging obispo.

Naglingkod si San Zosimo ng labingtatlong taon bilang obispo hanggang siya’y tawagin sa buhay na walang hanggan noong taong 660.

Short URL: http://filamnation.com/?p=24102

Print This Post Print This Post Email This Post Email This Post
Posted by on Mar 30 2012. Filed under Articles, Radyo Veritas. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply


seven + 6 =

Categories

Archives

Save money on your Taxes and Insurance!

Photo Gallery

Copyright ©2011 by FilAmNation